Pagsusuri ng tula


    Pagsusuri ng Tula 

Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang 
Frank Cimatu
Sandaang
Hakbang
Papuntang
Malakanyang
Dala ng
Nakabulang
Kartolinang
Nakapinta ng
 “Pamahalaang
Swapang,
Kinawawang
Bayang
Walang
Kamuwang-
Muwang!
Nang
Biglang
Naalalang
Naiwang
Nakasalang
Ang
Sinigang
Sandaang
Hakbang
Nakikipilang
Makausisang
Manang
Nang
Bang!
Bang!
Bang!
Nakitang
Parang
Umilandang
Ang
Ilang
Kasamang
Hinahambalang
Ang
Iisang
Nakakalamang
Iilang
Rumaragasang
Kapulisang
Sindarang
Ang
Plutang
Maanghang
Pinagbabalutang
Magsasakang
Nakadalang
Sundang
Nagbubulagbulagang
Peryodistang
Walang
Itinitimbang
Ang
Kasamang
Kabalang
Pinuntang
Sasakyang
Nagwawangwang
Nagsisigawang
“Tang
Inang…”
Pinopompiyang
Habang
Ginigisang
Paratang
Nanghihinayang
Ang
Makatang
Walang
Natadyakang
Makapangyarihang
Sakang
Walang
Kaganang-
Ganang
Papuntang
Alabang
Hanggang
Maabutang
Inuwiang
Sinigang
Nagmistulang
Kamanyang.




A.  Pagkilala sa May Akda:
Ang tulang pinamagatang “Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang” ay isinulat ng isang tanyag na makata na si Frank Cimatu. Taong 1987, nanalo siya sa isang paligsahan sa tula at nagkamit ng ikatlong gantimpala sa Galian sa Arte at Tula at nanalo din sa Pambansang pagsulat. Bukod sa pagsulat ng tula ay nagsusulat rin siya ng mga  maikling kwento na nagkamit ng gantimpala sa Philippine Free press award taong 1994.

B.   Estruktura

I.  Sukat, Saknong at Taludtod
Ang tulang “Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang” ay nasa malayang taludturan na kung saan ay walang sinusunod na sukat at hindi isinasaalangalang ang tugma sa bawat taludtod.
                 
II.       Teoryang Pampanitikan
Ang tulang “Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang” ay may teoryang Sosyalismo na kung saan ay ang layunin ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito and pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan

III. Paksa o kaisipang taglay ng akda
      Ang tula ay tungkol sa mga mamamayang tulad natin na isa sa naghihinagpis o umaalma sa hindi pantay-pantay at tamang pagtrato ng nakatataas na administrasyon o gobyerno.
     
IV.Talinghaga
     Ang tulang ito ay masasabi kong malalim at malaman ang mga salitang nagpapakita ng katangian ng pagigng matapang ng isang Pilipino na kung saan ay ipaglalaban ang karapatan kahit na anuman ang kahinatnan.

V.Imahen o Larawang Diwa
     Naipakita ng tulang ito ang tunay na katangian ng isang Pilipinong matapang at malakas ang paninindigan sa ipnaglalabang karapatan.

VI.Tono
     Ang tulang ito ay may tono ng pagkadismaya na kung saan ay hindi pa rin matamo tamo ang pilit ipinaglalaban kahit na anumang paratang, pagpoprotesta at pamimilit a iparating sa gobyerno. Nauuwi lang sa wala ang lahat.

VII. Persona
     Ang persona ng tula ay isang taong ipinaglalaban ang tama at nagpoprotesta sa maling gawi ng nakatataas. Siya ang naglalahad ng mga pangyayaring nagaganap sa mundong ating ginagalawan na kung saan ay walang pantay pantay na pagtrato sa kababayan.

VIII. Reaksyon/Komento
     Ang tulang “Isang Daang Hakbang papuntang Malakanyang”  ay isang napakagandang tula. Napapagalaw niya ang imahinasyon ng mambabasa kahit na napakalalim at matalinhaga ang mga salitang ginamit ay naunawaan parin ang diwang nais iparating sa mambabasa.


Ang Babae sa Pagdaralita

Joi Barrios

Babae akong sinasakmal ng kahirapan.
Kahirapan na mistulang
ahas sa damuhan,
maliksi ang galaw,
nagbabadya ang nakasangang dila,
makamandag ang kagat.
Pumupulupot ang ulupong,
itong paghihikahos,
Likhaan
sa aking katawan,
at tumatakas ang lakas.
Nakatitig ang walang talukap
na mga mata ng sawa,
Nanlilisik,
pagkat batid na walang palya
sa paghatid ng lason
ang pangil ng pagdaralita.
Anong gagawin ng babae
sa kanyang karukhaan?
Tumawag kaya kay Darna?
Lipad, Darna, Lipad?
Kristala, Kristala, kami ay iligtas!
Zsazsa Zaturnnah,
Palayain kami, Mama!
Huwag, huwag.
Ang paglaya sa hirap,
ay wala sa bayani ng pantasya.
Nasa ating mga babae ang pakikibaka!
Kung paanong sa gabi at sa araw
ay wala tayong humpay sa paggawa,
Kung paanong magkasabay na lumalaban
at nag-aaruga,
Matibay ang dibdib pagkat mapagkalinga
ang ating pag-ibig.
Sulong at makibaka!
Tagpasin ang ulo ng sawa!
Ang kahirapan ay maiigpawan
Kung ipaglalaban, na ang pagbawi,
ang pag-angking muli,
sa yaman ng bayan.
ay ating karapatan.
Sulong, makibaka, lumaban

A.  Pagkilala sa May Akda:
Ang tulang pinamagatang “Ang Babae sa Pagdaralita ” ay isinulat ng makata na si Joi Barrios. Si Maria Josephine Barios ay ipinanganak noong Hunyo 26, 1962 sa lungsod ng Quezon. Nakamit niya ang kanyang doktorado sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1998. Kilala rn si barrios bilang isang makata, aktiista, tagasulat ng senaryo, artista, translator t guro.

B.   Estruktura

I.  Sukat, Saknong at Taludtod
Ang tulang “Ang Babae sa Pagdaralita” ay nasa malayang taludturan na kung saan ay walang sinusunod na sukat at hindi isinasaalangalang ang tugma sa bawat taludtod.
                 
II.       Teoryang Pampanitikan
Ang tulang “Ang Babae sa Pagdaralita” ay may teoryang  Feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan. At layunin ng tula na ipakilala ang kalakasan, kakayahang pambabae at iangat ag pagtinin ng lipunan sa mga kababaihan.

Nasa teoryang Marxismo din ang tulang “Ang Babae sa Pagdaralita”  dahil ipinakita ditto na ang tauhan ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika.

III. Paksa o kaisipang taglay ng akda
      Ang tula ay tungkol sa mga kababaihang walang karapatang maging isang produktibong mamamayan. Babaeng itinalaga na mamalagi na lamang sa tirahan para mag-alaga ng mga anak at maing isang ilaw ng tahanan. Na isa naman sa hindi katanggap tanggap dahil sa pagwawalang bahala sa katangiang tinataglay nating mga kababaihan. Kaya bilang isang babae huwag hayaang mapasailalim na lamang parati, pantay-pantay kaya huwag tayong malumbay dahil sa ating sarili nakasalalay ang ikauunlad ng ating buhay.

IV.Talinghaga
     Ang tulang ito ay masasabi napakalaman at makahulugan na kung saan  ang mga salitang ginamit ay  nagpapakita ng katangian ng pagigng matatag ng isang babaeng Pilipina na handing ipaglaban ang kanyang karapatan.

V.Imahen o Larawang Diwa
     Naipakita ng tulang ito ang tunay na katangian ng isang Pilipinang matatag at positibo ang pagiisip sa kabila ng paghihirap na natamasa at naranasan  sa buhay.

VI.Tono
     Ang tulang ito ay may tono ng pagkadismaya sa pagtrato sa kababaihan at pagkapursigido na matamo ang tinatamasang karapatan na daan sa pagunlad ng buhay.

VII. Persona
     Ang persona ng tula ay isang babaeng naghihikahos sa mga karanasang sinasapit sa mundong gnagalawan na kung saan ay hindi isinasaalang alang ang kanyang kahalagahan gayong siya ay may katangiang tinataglay din naman na isa sa daan para maibsan ang kahirapan. Siya ay lalaban para sa kanyang sarili at higit sa lahat para sa lahat.

VIII. Reaksyon/Komento
     Ang tulang “Ang Babae sa Pagdaralita ”  ay isang tula kakukuhanan ng aral ng isang babaeng kikilos para sa hinaharap. Isa pa sa ikinaganda ng tula ay napapagalaw ang imahinasyon ng mambabasa pagdating sa mga salitang ginamit sa tula.


Mapanglaw ang mga Ilaw sa CALABARZON
Pedro L. Ricarte

May bakas pa sa tubig ng mga pinitak
Ang mga huling silahis ng nakalubog nang araw
Hindi n asana siya nag-araro pa,
Hindi rin lamang tiyak na matatamnan
Ang lupang itong ipiagbibili ng mga dayuhan,
At may makakaparti raw siyang sandaang libo.

Nasisiyahan na siya. Siya nama’y kasama lamang.
Sobra pa marahil sa kanya ang tatanggaping pera.
Balo na siya, walang anak, walang bisyo.
Sang-ilan pa ba ang kanyang buhay?
Pero ditto na siya tumanda, sa lupang itong
Sinaka pa ng kanyang ama at ng mga magulang niyon.

Tumanaw siya siya sa gawing silagan:
Kaylawak ng lupaing itong pinagyayaman
Ng marami pang katulad niya
Ngunit ipinagbibili nan g may-ari.
May mga bukid na nasimulan ng tambakan.
Ang patubig ng gobyerno.

Wala siyang namumuwangan sa kabuhayang-bansa;
Hindi niya kayang gagapon kung bakit at papaano-
Nadarama lamang niya- ang malaking panghihinayang
Pangungulila sa pagkawala ng mga berdeng lupain
Na kaygandang pagmasdan , kay timyas bungkalin!

A.  Pagkilala sa May Akda:
Ang tulang pinamagatang “Mapanglaw ang mga Ilaw sa CALABARZON” ay isinulat ng manunulat na si Pedro Ricarte. Isa siyang kwentista, mananaysay, mandudula, manunuri at makata. Isa siyang freelance writer, siya ay nabilang sa patnugutang ng Liwayway. Sa loob ng sampung taon ang kanyang kaalaman ay naibahgi sa mga mag-aaral ng LCBA Graduate School sa Calamba, Dela Salle University-Manila, Don Bosco at ibangunibersidad. Isa rin siya sa may pinakmatalas na pag-iisip kaya masasabi din na siya ay isang kritiko ng ibang Pilipinong manunula.

B.   Estruktura

I. Sukat, Saknong at Taludtod
Ang tulang “Mapanglaw ang mga Ilaw sa CALABARZON” ay nasa malayang taludturan na kung saan ay walang sinusunod na sukat at hindi isinasaalangalang ang tugma sa bawat taludtod.
                 
II. Teoryang Pampanitikan
Ang tulang “Mapanglaw ang mga Ilaw sa CALABARZON” ay may teoryang Eksistensyalismo dahil ipinakita ditto na may kalayaan an tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro na kanyang pananatili sa mundo.

III. Paksa o kaisipang taglay ng akda
      Ang tula ay tungkol sa isang magsasakang nagsasaka ng lupain na ipinagbibili na ng may-ari at siya ay hahatian sa perang makukuha sa lupa. Gayong matagal na siyang nagsasaka dito ay masaya niyang tinanggap ang pagkawala ng lupain na lubusang napamahal ng husto sa kanya.
     
IV.Talinghaga
     Ang tulang ito ay masasabi kong malaman at kapupulutan ng aral na kung saan ang mga salita ay  nagpapakita ng katangian ng isang magsasaka na hindi umalma sa pagbebenta ng lupaing pinagsakahan  bagkus siya ay nagpakita ng respeto at pagkatuwa sa perang kabahagi siya.

V.Imahen o Larawang Diwa
     Naipakita ng tulang ito ang tunay na katangian ng isang magsasakang may paggalang at respeto sa desisyon ng nakatataas sa kanya gayong may parte sa utak at puso niya na tumataligwas dito.

VI.Tono
     Ang tulang ito ay may tono ng pagkatuwa at panghihinayang. Pagkatuwa sa paraang masya niyang tinanggap ang isandaang pisong kabahagi niya sa lupa.Panghihinayang sa dahilang mawawala na ang lupaing kanyang pinagsakahan ng kay tagal.

VII. Persona
     Ang persona ng tula ay isang taong nagsasaka sa isang lupain na iinagbebenta na ng may-ari. Isang taong hindi kumokontra sa nakatataas sa kanya at rumerespeto sa desisyon nito kahit na ang lupaing ito ay lubusang napamahal na sa kanya.

VIII. Reaksyon/Komento
     Ang tulang “Mapanglaw ang mga Ilaw sa CALABARZON” ay isang napakagandang tula. Napapagalaw niya ang imahinasyon ng mambabasa sa mga larawang at salitang giamit. Kapupulutan ng aral ng pagkamabait ng isang Pilipino ang tulang ito.



 Pagsusuri na isinagawa ni Marlene Custodi Rayos- BEED 4201







Mga Komento

  1. medyo nakakalito po pero sa aking nabasa ayun ang akin nasagot maraming salamat po

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. I. DULA
      II. AWTOR
      III. PANAUHAN
      IV. BANGHAY
      V. BISA SA ISIP
      VI. MGA SIMBOLISMO

      Burahin

Mag-post ng isang Komento